Linggo, Oktubre 30, 2011

Si Alvin

Nakilala ko si Alvin pagkatapos kong iapprove yung friend request niya noong uso pa ang friendster. Sa simula inakala kong simpleng pagkakaibigan lang ang trip niya sa akin. Umabot rin kami ng 3 months hanggang pumayag na rin akong makipagkita sa kanya. 29 years old na siya noon, kalbo, medyo maputi, singkit ang mga mata, medyo matangos ang ilong, nakashave ang balbas at bigote kaya nagmukha pa rin siyang bata kesa sa edad niya. Di gaanong kalakihan ang katawan pero makikita ang mga muscles sa fitted shirt niyang gray. Cute hunk naman siyang tingnan sa height niyang 5'7".

Simple lang naman manlandi si Alvin, pasimple niya akong akbayan o hawakan sa likod habang nakikipagkwentuhan sa akin. Ngumingiti lang ako, yung pasimple pa-cute lang, kahit nagiinit na ako. Kapag sinasagot ko siya, ginagawa ko minsang pagbulong at paghinga sa tenga niya na lalo niyang ikinatense.

Nang di na niya matagalan, sinabi niya sa akin na samahan muna siya sa mall para bilihin yung book na hinahanap niya at pagkatapos eh pupunta kami sa kanila para pahihiramin niya raw ako ng cd installer para sa photoshop. Alam ko na ang mga ganyang usapan. Kaya um-oo na lang ako at sinabayan na siya sa paglakad.

Kapag naglalakad, maayos naman siyang kumilos at di mo maisipan na may itinatago si Alvin. Halatang nagmamadali siya sa paghahanap at para makauwi na kami sa kanila. Saktong malapit lang pala ang tinutuluyan niya sa Mall na pinuntahan namin. Pagkarating namin sa unit niya, saktong walang ibang tao. Nagtanggal muna siya ng sapatos at pinaupo muna ako sa sofa. Nagpaalam na pupunta muna siya sa kwarto para kunin daw ang CD. Pagkadaan niya sa likod ko pasimple akong nagtanggal ng tshirt nagdahilan na magpupunas lang ng pawis. Kita kong paghinto niya at nakatingin siya sa katawan ko. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya agad niyang binawi ang tingin sa akin at pumasok na sa kwarto. Ilang minuto lang, tinawag niya ako para tulungan siya sa paghahanap...

Itutuloy

Biyernes, Oktubre 28, 2011

Panimula

Walang pagsisisi tuwing uuwi ako pagkatapos ng pakikipagsex sa kung sino man ang natipuhan ko. Wala ring paghahabol pa sa akin pagkatapos ng nangyari sa amin. Ang mga nakasama ko sa kama ay kabilang na lang sa listahan ng kakilala ko.Mas mabuti na sa akin ang walang pananagutan. No strings attached ika nga.

Para sa karamihan, ang gawain ko may possibility ng pagpapaasa at umasa. Pagkatapos ay pagtataguan na o tatakbuhan pagkatapos magparaos ng libog, manira ng buhay ng iba o ng ibang relasyon... Pero yun ay kung nagpaisa ka.

Kanya kanyang point of view lang yan. para sa akin, hindi ako kabilang sa umaasa at tinakbuhan. Dahil pakiramdam ko patas lang naman ang labanan. Gamitan siguro...depende...

Hindi ko alam kung pinanganak ba akong sadyang malibog o normal lang ito na nararamdaman ng bawat isa. Ang pagkakaiba lang siguro, ang pagkokontrol sa tuwing nakakaramdam ng init sa katawan. Para sa akin, kailangang ko lang siguro maglabas ng init ng katawan o magparaos.