Ayaw ko ng komplikadong bagay. Napagdaanan ko na kasi ang maging martyr. Mas mabuti na ang ganito. Nagbibigay ng kaunting kasiyahan sa iba at iwas na rin ang umasa at masaktan. Inaamin kong malibog ako. Pero hindi sa lahat ng tao eh kailangan kong magpagamit. Namimili rin ako. Higit sa itsura eh yung alam kong di rin aasa sa akin na may pagmamahal pagkatapos ng aming pagtatalik. Sinisigurado ko na pareho kaming masiyahan sa gagawin namin. Pero kapag napansin ko rin na may iba pa siyang habol liban sa pagtatalik ay nagiging malabo na akong kausap at kusa nang lalayo.
Mabuti nang hindi ako nakatali sa isang tao. Alam ko namang mahihirapan lang ako kapag pagpipilitan ko ang ganung set-up. Di ko kaya. Minsan naisipan ko na ring pagkaperahan na lang ang ganitong bisyo. Tutal pareho lang din naman ang kaibahan lang magkakapera pa ako pagkatapos. Pero hindi ganun kadali. Ayaw ko rin na mapipilitan akong gawin ang mga bagay na ito dahil lang sa pera. Masaya na ako sa ganito- Simple at praktikal. Pwedeng ayawan na pagkatapos. No guilt, no hurt feelings.
Marami na rin akong nakikilala na sobrang tipo ko. Yung masasabi mong for keeps. Pero mahirap na kasi pumasok sa seryosohang relasyon sa panahon ngayon. Malaking problema na diyan ang commitment. Samahan pa ng obligation at marami pang iba. Alam ko rin naman na huhusgahan pa rin pagkatao ko sa bandang huli. Kaya bago pa mangyari yun pipigilan ko na lang.
Kahit nga sa mga kaibigan ko eh nagpapagamit ako. Maalala ko minsan gusto kong turuan ng leksyon yung asawa ng kumpare ko. Masyado kasing haliparot at niloloko na ang kaibigan ko. Para lang mapaghiwalay ko sila, pinlano ko ang mahulog ang asawa niya sa akin. Sinakto ko na sa mismong pagbukas ng pinto ng kaibigan ko eh masasaksihan niyang nakapatong ang asawa niya sa akin- hubo't hubad. Nagtagumpay naman ako. Naghiwalay nga sila pagkatapos nun kapalit naman ang ilang sugat na natamo ko sa kaibigan ko.
Hindi naman talaga akong likas na masama. Nagkakataon lang na hindi tama ang pagpapangaral ko. Dala na rin siguro na lumaki akong walang magulang kaya walang nangangaral sa akin.
Hindi man ako mapaghahalata ng mga tao sa paligid ko dahil sa ayos ng damit na sinusuot ko, o sa napagaralan ko; Pero di nawawala sa pagkatao ko ang lihim ng nakaraan ko at ang nagkukubling mahalay at imoral ko ngayong katauhan.
Iba rin pala ang nagagawa ng pagpapalaki no? Yung mga maagang nagsolo eh mas matigas ang personality. :)
TumugonBurahinhahahaha malamang pre. maaga kasing natuto sa buhay! hehehehehe
TumugonBurahinnice reading. i love people with a strong personality. Magaling and matapang sa buhay. And that is me. hehehe
TumugonBurahinAyos ka bata! napatawa mo ko dyan. LOL. Ano ba # mo!? LOL
TumugonBurahin