Huwebes, Nobyembre 24, 2011

Si Eric

Matagal na pala nung huli akong nagsulat dito. Medyo marami kasing ginawa lately. Isa na dun ang paghangout ko sa mga kabarkada. Hindi tungkol sa kabarkada ko ang kwento ko ngayon kundi tungkol sa nakasabay ko nung pauwi na ako.

Kapag nagtitipid ako, mas mainam sa akin ang magcommute sa fx kesa magtaxi kahit nakainom pa ako. Mahal na kasi talaga. Dahil medyo malayo ang party at ang inuuwian ko kaya alam kong matagal pa ang biyahe ko. May nakasabayan akong lalake, astig gumalaw at maayos naman kung pumorma ika nga eh di naman halata. Medyo payat, normal lang kulay ng balat niya di maputi di rin naman moreno. Itim ang damit niya at may earplugs sa tenga. Napansin ko lang na panay ang titig niya sa akin. Nung una akala ko hindi sa akin nakatingin pero nung tinitigan ko rin siya saka ko lang naconfirm na sa akin nga pero bigla naman niya binawi. Bahagya akong napangiti. Di kasi ako makapaniwala na sa ayos niyang yun eh may lihim pala siyang pagkatao. Ginanahan tuloy akong magpapansin. Dahil magkaharap naman kami, madalas kong fineflex ang muscle ko sa braso at kunyaring tumitingin sa labas. Alam kong umeepek naman ang plano ko dahil pansin na pansin ko ang lagkit ng tingin niya kahit hindsight ko lang ang ginagamit ko.

Di na rin naman ako nagisip pa ng ibang moves tutal wala naman sa plano ko ang umiskor nung gabing iyon dahil may trabaho pa kinabukasan. Pero nagulat ako dahil kunyaring natapik niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa tuhod ko. Nagsorry naman siya agad. Di ko lang pinansin tutal ok lang naman sa akin yung ginawa niya. Nung nakababa na ako pagkalipas ng ilang minuto may narinig akong boses sa likod ko. Pagkalingon ko nakita ko siya na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Tinanong niya ako kung sa akin daw ba yun dala niyang panyo. Sinagot ko namang hindi. Sa isip ko kahit akin man yun ayos lang na di na bumalik sa akin. Akala ko aalis na siya pero kinausap pa ako kung may trike ba sa area namin. Sabi ko naman bihira na ang ganung oras kasi madaling araw na. Nakita kong kinabahan na siya. Tinanong ko na lang kung taga saan siya at di naman pala malayo ang inuuwian niya sa lugar namin. Sinabi ko na lang na since nagmagandang loob naman siya na ibigay sa akin ang nakita niyang panyo eh samahan ko na lang siya sa paghihintay. Tamang tama naman may tinadahan sa may kanto kaya dun na kami tumambay. Makwento siya kahit di ako nagtatanong. Napagalaman kong Eric ang pangalan niya. Halatang estudyante pa siya sa mga kinikilos niya. Engineering daw kinukuha niyang course. Ako naman tahimik lang dala na siguro ng antok at konting amats. Napansin naman niya kaya sinabi niyang wag ko na raw siyang hintayin at umuwi na lang daw ako. Sumang-ayon naman ako at nagpaalam na. Hiningi na lang niya number ko para daw mainform niya ako na nakauwi na rin daw siya. Di na ko nagisip pa at binigay ko na rin at nagsimula nang lumakad papalayo. Nung tapos na ako nagbihis, nagpunas at kakahiga na sa kama ko nakarecieve ako ng text:


"Dito ako sa labas. Di ako nakauwi. pwede ba munang makituloy?"

itutuloy...


6 (na) komento:

  1. Galing ng move ni totoy. Ikaw naman, for sure kumagat. Haha.

    TumugonBurahin
  2. Kaya nga eh... nautakan pa ako ng batang yun!

    Buti, kahit papaano di naman ako nabitin sa kanya. LOL

    TumugonBurahin
  3. waiting .........

    mugen/bien/makii kamusta naman? pag mga ganitong kwento nagkikita kita tayo LOL

    TumugonBurahin
  4. Uy! nice to meet you guys! parang nadyahe naman ako bigla. Salamat at nagustuhan niyo ang kwento ko kahit katangahan ang nangyari. Sige tatapusin ko na ang kwento.

    TumugonBurahin